One Hit Combo - Parokya Ni Edgar
Lyrics by:Chito Miranda/Gloc-9
Composed by:Chito Miranda/Gloc-9
Come on game ka ah sige
One two three four
Nandito na naman kami
Nagkakantahan sa isang tabi
Katulad ng dati pagkatapos ng klase
Lagi kang mayro'ng katabing nagsasabing
'Wag kang magkakamali
Palampasin ang sandali
Kailangan palagi positibo parati
Dapat maniwala ka na mayro'ng mangyayari
Oras na para gumawa ng panibagong
Orasyon na pwedeng kantahin ng mga gago
Tara samahan niyo 'ko na muling maglibang
Para sa mga katulad mong nag-aalangan
Teka lang 'di naman kailangang magmadali
Dapat lang siguro na 'wag kang magpapahuli
Sapagka't ang oras natin ay may katapusan
Kailangan mong gamitin sa makabuluhan pasok
Teka muna teka muna teka muna teka
Katatapos ko lang isulat ang mga letra
Hampasin ang tambol at kaskasin ang gitara
Kasama ko ulit pinakamalupit na banda
Pero ngayon ay babaguhin ang tema
Ito'y awit na sasaludo sa mga nauna
Musikero gitarero tambulerong magaling
Kahit kaninong itapat sa'n pang labanan angat pa rin chorus
Nandito na naman kami
Nagkakantahan sa isang tabi
Katulad ng dati pagkatapos ng klase
Lagi kang mayro'ng katabing nagsasabing
'Wag kang magkakamali
Palampasin ang sandali
Kailangan palagi positibo parati
Dapat maniwala ka na mayro'ng mangyayari
Nagsimula kami ng mga '93
Mga batang 'di mapigil sa pagpursigi
Mga batang 'di maawat ng mga hadlang
Sapagka't sila'y nakatingin sa pupuntahan
Namulat sa heads at kay Sir Magalona
Alam ko sa loob ko na nagsisimula na
Sila ang nag-supply at naglagay ng gasolina
Si kiko kay gloc at ang E-heads sa parokya
Ibang klase ang pinoy 'pag dumating na sa tugtugan
Nagyuyugyugan siguradong hindi ka magtutulug-tulugan
'Pag narinig mo ang bagong gawa ni chito at ni gloc
Kung ika'y sa 'min sumasangayon ay pumalakpak
Nang malakas itaas ang kamay sumigaw
Para sa tatlong bituin at isang araw
Mga bata rin kami at katulad ng iba
Tagahanga rin kami ng mga kanta nila ayos
Nandito na naman kami
Nagkakantahan sa isang tabi
Katulad ng dati pagkatapos ng klase
Lagi kang mayro'ng katabing nagsasabing
'Wag kang magkakamali
Palampasin ang sandali
Kailangan palagi positibo parati